Home | Literature | Foreign Translation | Tagalog | Fundamentals of Faith | ||
BATAYAN NG
PANANAMPALATAYA
(Fundamentals of Faith -Pilipino Translation)
PASIMULA Ang dokyumentong ito ay malugod na inihanda ng mga kapatiran kay Mesiya bilang saligang buod
na batayan ng pananampalataya na minsang inihatid sa mga banal. Judas 3. Amin kayong hinihikayat upang suriin ang mga
sumusunod na buod ng doktrina sa aming panampalataya
at paniniwala, "Suriin ninyo ang lahat ng bagay at pulutin ang
mabuti" 1Tesalonika 5:21. Buong pakukumbaba naming pinatutunayan itong
buod na katuruan bilang saligan ng nakakaisang
pananampalataya na aming pinanindigan.
ANG BANAL NA
KASULATAN (BIBLIYA/ BIBLE)
1.Aming nasumpungan ang mga sumusunod na siyang totoo at sang-ayon sa mga mainspiradong
salita ni Amang Yahweh: Ang Bibliya ay may inspirasyon mula sa kay Amang Yahweh
at inihayag ang karunungan na hindi napag alaman ng tao sa kanyang sarili. Tayo
ay mabuhay sa bawa't salita na nagmumula sa bibig ni
Amang Yahweh, Mateo 4:4; "Lahat ng kasulata'y kinasihan ng Elohim at
magagamit sa pagtutro ng katotohanan, sa pagpapabulaan sa maling aral, sa
pagtututwid na pamumuhay..." 2Tim.3:14-16; Ang Bibliya ay kanyang
katotohanan, at hindi maaring ipaliwanag sa sariling kuro-kuro lamang
2Pet.1:21. Hindi natin dapat dagdagan o bawasan Deut.4:2;12:32;
Pahayag 22:18.
ANG AMA (THE
FATHER)
2.Na ang Ama
ang Siyang Tanging Dalubhasa sa desinyo ng lahat Paglikha, na siyang
isakatuparan ng Anak mula paglikha sa lahat ng nilalang. Prob.8:22;31;
Pahayag.3:14; Kolosas 1:15-17.Ang pangalan ng Amang nasa Langit na siyang
ibinigay sa orihinal ma inspirasyong Kasulatan ay YAHWEH, Salmo 68:4;Isaiah
42:8; Jer.16:21 at Yahweh ang kanyang pangalan maypa kailan man, Exo.3:14-15;
Isaiah 63:12; 66:5.Ang kanyang Dakilang Pangalan ay Pantangi sa Buong Pamilya
ni Yahweh, Salmo 22:22; Jhn 17:11; Eph. 3:14-15.Siya ang pinagmulan ng
lahat ng Kapangyarihan at Karapatan at
lahat ng pasasalamat at paggalang na siyang nauukol para sa kanya, Mateo
4:10;6:9; Kolosas 1:12; Santiago 1:1,7 ; 1 Pet.2:5. Si Yahweh ay ispiritu, Jhn
4:24. Ang lahat ng pagsamba ay naka sentro sa kanya sa pamagitan ng kanyang
anak si Yahshua,ang Mesiya; Jhn 14:6; Efeso 5:20.
ANG ANAK (THE SON)
3. Na Yahshua ay ang tamang pangalan
ng tagapaligtas,Ang pinaikli na pinagsama (kombinasyon) na pangalan ni Yahweh
at Hoshua, katulad ng ibinigay kay Joshua na anak ni Nun ni Moses, Mga Bilang
3:16.Ang kahulugan ng Yahshua ay si "Yahweh na tagapagligtas",
sapagkat siyaay ang Tagapagligtas na ipinagkaloob ni Yahweh sa sangtauhan,Mga
Gawa 4:12. Malugod naming tinatanggap ang mga pangalang inihayag sa pamamagitan ng maluwalhating Ama natin sa langit na si Yahweh at ang
kanyang kahanga-hanga niyang Anak ang ating Tagapagligtas si Yahshua ang
Mesiya. Si Yahshua ay ang tagapagsalita, ang logos o Salita (Hebrew Dabar) na
dating nang umiiral at siya ay kasama noon ni Yahweh na Ama;Genesis 1:26;Jhn
1:1-3;8:58;13:3;1Cor.10:4. Iniwan niya ang kanyang makalangit
at mawalhating katawan. Nagawa niyang alisan ng reputasyon ang kanyang
sarili at siya ay nagkatawang tao bilang tagapaglingkod,Jhn 17:5, Filipos
2:5-7, Hebreo 2:6-14. Na ipinanganak ng isang dalagang birhen sa pamamagitan ng
kapangyarihan ni Yahweh, Isaiah 7:14;9:6 Mateo 1:18,23;Lukas 1:26-38;Naparito
sa pangalan ng Ama;Yah-Shua, Jhn 5:43.Siya ay namuhay ng hindi nagkasala;
Isaiah 53:9; 1Pedro 2:22 at siya'y binuhay mula sa mga patay ng Ama pagkalipas
ng tatlong araw at tatlong gabi sang ayon sa mga kasulatan,Mateo 12:40; Mga
Gawa 3:15; 1 Cor. 15:3-4; at siya ngayon ay umakyat sa langit sa kanan ni
Yahweh na ating Ama; Lukas 24:51; Hebreo 1:13. Siya ngayon ang ating
Tagapagtanggol, ating Tagpamagitan at Dakilang Saserdote, Hebreo 3:1,
4:14.Tanging sa pamamagitan lamang Niya tayo makalapit sa Ama; Jhn 14:6.
ANG BANAL NA
ISPIRITO (HOLY SPIRIT)
4. Na ang Banal na Ispirito (Ruach) ay hindi nakikitang makapangyarihang pwersa. Ang isip,ang pwersa na nanggaling sa Ama at ibinahagi sa pamamagitan
ng Anak, Lukas 24:49; Jhn 3:8; 14:17; 15:26; 1Cor. 2:10-16. Itong hindi
nakikitang diwa o kapangyarihan ay
inilagay sa mga nanalig sa pamamagitan ng Anak;Mga Gawa 2:33; Titus 3:6, sa
paraan ng pagpatung ng mga kamay ng mga presbeteryo matapos ang bautismo sa
makapagligtas na pangalan ni Yahshua, Mga Gawa 2:38; 5:32; 8:17, 19:6; 1 Tim
4:14; 2Tim 1:6 , at gayon din ang bautismo sa ispirito sapagkat binabautismohan
tayo sa pagsanib sa katawan ng Mesiya.Roma 8:15-17; 1Cor.12:13 at Galatia
3:28.Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng banal na ispiritong inilagay sa atin,
pinatutunayan natin ang ating pag-ibig para kay Yahshua at sa Ama sa
pamamagitan ng nakalulugod na pagtalima sa batas, Jhn 14:15; 14:21-24; Mga Gawa
1:8; 1Jhn 2:5 ;Ang banal na ispirito ay kahalintulad ng hangin Jhn 3:8; Mga
Gawa 10:45, isang napakalakas hindi
nakikitang makapangyarihan at ito ay
hindi tao. Sa makatuwid ating natuklasan na ang
katuruang "Trinity" ay wala sa kasulatan kung di sa pagano.
BAUTISMO (BAPTISM)
5. Na pagkatapos ng tunay na pagsisisi, bautismo sa pamamagitan ng paglulubog sa tubig
at pagpasok sa makapagligtas na pangalan ni Yahshua ay ang kinakailangan ang
mga gawa sa pagbabanal. Mateo 3:13-17; Mga Gawa 2:38; 4:12; 8:16; 10:43; 19:5;
Roma 6:3 at iyang kaligtasan ay nasa walang ibang pangalan maliban kay Yahshua,
Mga Gawa 4:12; iyang bautismo ay sa pamamagitan ng paglubog patalikod isang
beses sa tubig, Mga Gawa 2:38. Inilalarawan ang pagkalupig at paglibing ng
lumang imoral na likas napagkatao, Roma 6:3-5; Col.2:12; at bumangon upang maglingkod sa panibagong buhay sa pamamagitan ng kanyang
ispirito, Roma 7:6; 12:1; 1Pedro 3:21; Mayroong isang tunay na bautismo sa loob
ng isang totoong pangalan ni Yahshua na makapagliligtas at maglagay sa atin sa
isang Katawan,Roma 12:5; Efeso 4:3-6, Pinag-isa ang maraming miyembro ng
Katawan sa pamamagitan ni Yahshua; 1 Cor. 12:12-14.
BATAS (LAW)
6. Na ang pinakamalaking
SABADO (SABBATH)
7. Iyang ikapitong arawng Linggo
(tinatawag na Sabado) ay araw ng inilaan ni Yahweh at ang ala-ala ng kanyang
walang hanggang malikhaing kapangyarihan.Gen. 2:2-3.Ang araw ng Sabado ay ang
banal na araw ng Kapahingahan, Exodus 20:8-11 at tumutukoy sa Dakilang isang
libong taon ng kapahingahan ng kaligtasan,Mateo 11:28-30; Lukas 4:16-18, Hebreo 4:1-6.Libring ipinagkaloob ni Yahweh ang Sabado
tulad ng pagkakataon na tanggapin at maranasan ang kangyang kagila-gilalas na
Paglikha at pagliligtas;Marcos 2:27-28 Hebreo 4:7-11. Sa pamamagitan ng
pakikilahok sa Sabado tayo'y nagpapahayag ng ating paniniwalam kay Yahshua
bilang lumikha at bilang may akda at tagatapos ng ating kaligtasan
, Hebreo 12:2.Ang Sabado ay ang
kapahingahan at simbolo ng ating
pag-ibig. Ang pangako na magiging matapat sa kay
Yahweh.Exodus 31:13. Sa pamamagitan ng pagtatalaga ng
ating oras na kanyang itinalaga para sa ating pagpahinga at pagsamba,
ipinakikita natin ang ating pagpapasakop sa kanyang kalooban, kinikilala ang
kanyang kahalagaan ng higit sa ating buhay at higit pa sa lahat ng nilalang.
Ang Sabado na kapahingahan nananatili para sa kanyang mamamayan, Hebreo 4:9,
ang araw ng banal na kasiyahan at hindi ang araw ng mga gawa pansarili at panghanap buhay. Isaiah 58:13.
PASKO (PASSOVER)
8. Na ang paggunita ng mahalagang
sakripisyo ni Yahshua ang Mesiya ay ginanap taon-taon
sa gabi (umpisa) sa ika-14 ng Abib habang ang ika labing tatlo na araw ay
nagtatapos sa gabi, sang ayon sa orihinal na Pasko sa Ehipto nang ang angel na
pumapatay ay dumaan ng hating gabi ng ika-14. Exodo 12:13-14. Na ang sasalo sa Pasko ay may pagpakumbabang ispirito na nagpapatunay na
tinatanggap ang dugong umagos sa minamahal ng tagapagligtas para sa mga
kasalanan. Mga Bilang 28:16; Luk. 22:15-20; 1Cor.
11:23-29.Ang ginagamit na simbolo ay iyong naitatag sa pamamagitan ni
Yahshua.Pagkain ng Tinapay na walang libadura ay kumakatawan sa kanyang
nagkagutay na katawan,Exo. 28:18;1Cor.10:16,at uminom
ng bunga ng baging,katas ng ubas bilang simbolo ng kanyang dugong umagos Deut.
32:14; Isaiah 65:8-9; Mateo 26:27-29.Ang ating pag-ibig kay Yahshua at mapagpakumbabang
ispirito kasama ng mga kapatiran ay ginaganap sa pamamagitan nang seremonyang
maghugasan ng paa na pinangasiwaan ng ating minahamahal na Tagapagligtas at
Manunubos, sang ayon kay Jhn 13:3--17.
PIESTA NG TINAPAY NA WALANG LIBADURA (FEAST OF UNLEAVENED BREAD) 9. Na matapos ganapin ang Pasko,
kailangan ang pagsisikap na mamuhay na matapat at
pag-iwas sa kasalanan habang ginanaganap ang kasunod na pitong araw ng tinapay
na walang libadura.Levitico 23:6; Mateo 16:12; Marcos 8:14-15; Lukas 12:1; Roma
6:13-22; 1Cor.5:6-8. Sumasagisag sa paunang hakbang tungo sa pagkamakatuwiran
at lumayo sa kasalanan.Ang unang araw ng tinapay na walang libadura ay ika- 15
ng Abib, ay ang umpisa ng pitong araw ng
piesta na walalng libadura at panahong banal at walang anumang pang hanapbuhay
o trabahong pansarili, ito ay Pangtaon na Sabado. Ang ikapito o huling araw ay
Sabado rin Abib 21, at inilalarawan ang kabuo-ang paglabas sa makasanlibutang daan ng
kasalanan at maghimagsik upang sumunod sa katuwiran ng ating Tagapagligtas,Yahshua Mesia, Exodo 12:15,20:Mga Bilang 28:17-25; Mga Gawa
20:6-7. Masaya naming inaalis sa aming tahanan ang lahat ng produktong may mga
libadura sa pitong araw upang maalaala namin ang paglilinis sa aming mga sarili
ng maling doktrina na maaring magtulak sa ipagkakasala, sa pamamagitan ng
pangpisikal na mga gawa aming matutunan
ang ispiritual na aralin.Sa buong pitong araw ng piesta, ang Tinapay na walang
libadura ay kakainin (kasabay sa lahat ng oras ng pagkain) para sa kompletong pitong araw.Ito ay
nagalalarawan sa makahulugang pagtanggap
nitong tinapay na walang libadura sa boung katapatan at katutuhanan, 1 Cor.
5:7-8.
PENTECOSTES 10. Na ang araw ng Pentecostes
(Shavout) o Piesta ng mga Semana (piesta ng mga Linggo) ay ikatlong Banal na Araw sa taonang Sabado, at
magkaroon nang Pantanging Pagtitipon, Lev. 23:15-21; Mga Bilang 28:26 at ito ay
binibilang mula sa araw na pagkatapos ng Linggohang Sabado na pumapatak mula sa
panahon ng araw ng tinapay ng walang libadura, pitong Sabado (araw na banal na
kapahingahan), pitong kompletong mga linggo ang mga bilang at ang linggong araw
pagkatapos sa pangpitong Sabado (pang -49 na araw) ay ang Linggo ng Pentecostes
(pang 50 pagbilang mula sa linggo ng tinapay na walang libadura)Ito ang isa sa
pinaka-importanteng ginaganap bilang pag-alaala sa Araw na gumawa si Yahweh ng kasunduan sa Israel at Sinai,Exodus
24:4-8. Ito ay siya ring araw na ipinangako ni Yahshua na bigyan niya ang
kanyang Assembliya ng kapangyarihan mula
doon sa kaitaasan Lukas 24:49; Jhn 14:26,15:4-8 na naging katuparan sa unang
sinugo ni Abba Yahweh na ang kanyang
banal na ispirito noong unang Pentecostes dito sa mundo,Mga Gawa 2:1-18 upang
manahan sa kanyang mga tao magpakailan
man Jhn 14:16.Ang Pentecostes or Piesta ng unang mga bunga ay tumutukoy sa
paunang ani ng mga kaluluwa,Roma 8:23;11:16;16:5;1 Cor 15:20-23 at 16:15;
Santiago 1:18, Payahag 14:4.
ARAW NG PAKAKAK (DAY OF TRUMPETS) 11.Na kami ay sa buong pananabik na nakatanaw sa pagbabalik
ni Yahshua, ang aming Tagapagligtas,
para sa kanyang pagbabalik na sa tunog ng huling pagkakak at tinig ng arkAngel
tayo'y tatanggap ng gantipala, 1 Cor.15:22-23 at 51-53; 1Tesalonika 4:14-17;
1Pedro 5:4; Pahayag 2:23 2:23; 22:12.Ang Araw ng pakakak ay ang ikaapat na
taonang Sabado at nag umpisa sa ikapitong buwan at magkaroon na banal na
pagpupulong, Lev.23:24-25, ipinapaalala sa amin na panatiliin sa aming mga
kaisipan sa mga bagay na panlangit upang tayo ay magalak sa pagbabalik ng ating
tagapagligtas sa huling pakakak, Lukas 21:27-28.Ang pag ihip ng mga trumpeta ay
nagpapaalala sa atin at ito ay hudyat ng pagtawag sa Israel upang magkatipon at
maghanda para sa paglalakbay at isang pabala para sa digmaan, Mga Bilang
10:1-10.
ARAW NG KATUBUSAN (ATONEMENT) 12. Na ang araw ng katubusan ay tumutukoy sa nagawa ni Yahshua na tayo ay tinubus na. Nagawang
pagkasunduin sa pamamagitan ni Yahshua Roma 5:6-11; 2Cor. 5:18-21;Col. 1:19-22; Hebreo
2:18.Kami ay buong galak na ipinamamalita sa iba ang kanyang marangal na gawa.
Ito ay dinadaos sa ikasiyam na araw nitong ikapitong buwan sa paglubog ng araw tungo sa
ikasampong araw at nagtatapos hangang sa paglubog muli ng araw. Lev.23:32. Sa
loob ng 24 oras ginaganap ang hindi pagkain o pag-inom ng tubig, ito ang pagganap sa totoong "atonement"
bilang kahulugan sa buong paninawala sa Tagapagligtas ng tayo ay hindi lang sa
pisikal na pagkain o pag-inom nabubuhay, kondi ang sa kanyang
kapangyarihan.Lev.16:29-31; 23:27-32;Mga Bilang 29:7. Tayo ay pina alalahanan kung anong klasing tao at makalaman tayo at kung paano natin
kailang-kailangan si Yahshua bilang hain at pantubus sa atin. Atin din
tinanatanaw sa panghinaharap ang pagpuksa kay Satan,
Hebreo 2:14; at ang daigdig sa pagiging kaisa ni Yahshua at ang Ama natin sa
langit.Mga Gawa 27:9; Pahayag 20:1-3. Ang "Atonement" ay ang
ikalimang taonang Sabado at ito rin ang basihan sa pagbibilang sa panahon ng
mga taon na "Sabbathical"
(pangpitong taon) tungo sa taong "Jubilee".Ayon sa kasaysayan itong
ang pinakabanal na araw sa taon.
PIESTA NG MGA TABERNAKULO O KUBOL (FEAST OF TABERNACLES) 13. Na ang piesta ng mga tulda ay ang
pagpapakita ng makatarungang isang libong taong paghahari ng nanalapit na
pagpaparito ng haring Yahshua, Zech.14:16.Ang panahong ng kapayapaan,
kasaganaan at kaligayahan ang siyang iiral kapag namamahala na si Yahshua,
ipapairal na ang Batas ng kanyang Amang Yahweh na siyang lalong pinag-aaralan
kapag kapiestahan ng tabernakulo.Ipinipakita ang ating pananampalataya sa
walang hangang dakilang kapangyarihan ni Yahweh sa ibabaw ng buong mundo. Ang
naatasang Iglesia o Assembliya na kong saan ay
pinaglagakan ng pangalan ni Abba Yahweh. Ang piestang mga tulda ay
ipinangingilin ng pitong araw umpisa sa ika labing
HULING DAKILANG ARAW (LAST GREAT DAY) 14.Na ang
pang huling hantungan ng
BAGONG BUWAN (NEW MOON) 15. Na ang buwan sang ayon sa banal
na Kasulatan(Bibliya) ay ibanabase sa pamamagitan ng
pagpapakita ng manipis na gasuklay ng nakalantad ng bagong buwan;2Mga Hari
4:23;Nehemiah 10:33;Mga Awit 81:3. Ang Kasulatan ay nagpapahiwatig na ang buwan ng mga araw. Ito ay mag uumpisa mula sa tunay na lugar na kung saan ang bagong buwan ay makikita
diyan sa natatanging buwan. Ang nasa kasulatan na araw
ay nag-uumpisa at nagtatapos sa paglubog ng araw, Levitico 23:32, Mga Hukom
14:12 at 18; Marcos 1:32. Ang bagong buwan ay ipapangilin sa bagong kaharian, Isaiah 66:23.
KASALANAN (SIN) 16. Na ang kasalanan ay paglabag sa Batas ni Abba Yahweh, Roma 7:7-12. Lahat ay nagkasala at
hindi nakarating sa kaluwalhatian ni Abba Yahweh, Exodos 20:1-20;Deut.5:1-24; Roma 3:23. Ang kabayaran ng kasalanan ay
kamatayan Genesis 2:16-17;Genesis 3:19; Roma 6:23;
1Cor.15:22; Hebreo 9:27. Ang Kamatayan ay ang pagtulog sa pagbabalik sa
alikabok, Jhn 11:11; Eclesiastes 9:5-6,10; Isaiah
38:18; Mga Awit 115:17.
PAGTUBOS (REDEMPTION) 17. Na magmula ng ang lahat ay
nagkasala at nagkamit ng parusang kamatayan kinakailangan ngayon na magsisisi; iyon ay pagsisisi sa mga nakaraang gawi ng
buhay na nasa paglabag sa banal na Batas ni Abba Yahweh at ngayon upang
magbabago pa sa pamamaraan ng pagsisisi. Sundin ang huwarang buhay ni Yahshua ang Mesiya, Mateo 19:17; Jhn 8:11; Hebreo 6:19 at
14 upang makalaya sa sumpa ng Batas na kamatayan. Kailanganng tanggapin natin
ang pagpapakasakit ni Yahshua bilang kabayaran para sa ating mga kasalanan,
Mateo 26:26-28; Colosas 3:13; Hebreo 9:26,10:12;
1Pedro 2:21-24; 1Jhn1:7-10.Siya ang ating Manananggol at Tagapamagitan, 1 Tim
2:3-5.
PAGPAPAKABANAL (SANCTIFICATION) 18. Na matapos na malinisan at magawang maibukod sa pamamagitan ng pananampalataya kay Yahshua
tayo ay naniwalang ito ay mahalaga na maging malinis ang pangloob gayon din ang
panglabas. Ang ating katawan ay ang templo ng Banal na ispirito at tayo ay
malugod na nanindigan ayon sa Batas sa bawat malinis na pagkaing laman galing
sa mga malinis na hayop, Leviticos 11 at Deut.14.Ito ay bagay na aralin sa
Kabanalan, inaralan tayo ng kaibahan sa pagitan ng mailinis at hindi malinis,
ang banal at ang hindi banal, 2 Cor. 6:16-18.Maging sa anumang kaisipan dapat
tayo ay malinis at kinakailangan ang disiplina sa sarili at maging maselang sa
kung ano ano ang ating tatanggapin para ibabad sa ating isipan gayon din sa
ating pagbabasa,panahon sa TV, Radio, mga kaibigan at mga kasamahan. Tayo ay kumain ng
malinis; malinis ang pag iisip,mamuhay na malinis,maging malinis at banal sa
harap ni Abba Yahweh. Pagsikapang maging huwaran tayo sanlibutan, Mateo 5:48;
1Cor.3:17; 1Pedro 1:15-16, Pahayag 21:27.
PAGPAHID NG LANGIS (ANOINTING) 19. Na ang walang kapintasang
pagsasakripisyo ni Yahshua ay nagawa nitong posible
para sa atin ang gumaling sa karamdaman, Isaiah 53:5;
IKAPO (TITHING) 20. Na ito ay isang pagpapala kong makayanan
nating igalang si Abba Yahweh sa pamamagitan ng ating kayamanan, Prov. 3:9 at
isang pagganap ng pagsamba upang umalalay sa gawain kay Abba Yahweh sa
pamamagitan ng ating mga ikapo at mga handog, Lev.27:30-33; Malakias 3:8-12;
Mateo 23:23; 1Cor.9:1-25; 2Cor.9:1-15.Ang ikapo ay sampung porsyento ng ating
kinikita. Si Abba Yahweh sa kanyang karunungan ay
naglaan din ng ikalawang ikapo upang makatiyak tayong sapat na pondo upang
makasama tayo ipagdiwang ang kanyang mga kapiestahan, Deut.14:27-29;
26:12-17.Higit na maraming pagpapala ang magbigay kaysa tumatanggap at tayo ay
buong lugod na nagbigay. Si Abba Yahweh sa Kanyang
mabuting kalooban ay nagbibigay at siya ang kakalinga at nakakahingit na may
alam sa bawat importanting bagay nating pangangailangan.
ANG KAAWAY (Satan) 21.Na si
Satanas ay ispiritung nilalang at siya ang piniling Angel na tinatawag na si
Lucifer.Naging mapagmataas siya at hinulog siya sa langit Isaiah 14:12-20;
Ezekiel 28:13-19;Lukas 10:18;Pahayag 12:7-9.Na ang demonyo ay kaaway ni Abba
Yahweh at kanyang mga sakup. Jhn8:44; Pahayag12:1.At sa bandang huli si satanas
ay pupuksain,Isaiah 14:12-20,Ezekiel 28:16, Roma16:20;Hebreo 2:14.Si Satanas ay
tinangka na hahadlangan ang pagsasaayos ng kaharian ni Abba Yahweh, Mateo
4:1-11.Sa pamamagitan ng tulong ni Yahweh maari nating mapaglabanan ang demonyo
at itoy lalayo sa atin ,Santiago 4:7.
PAGKAKAMATAY (MORTALITY) 22. Na ang patay ay walang malay sa
kanilang mga libingan at nasa pagtulog.Ang patay ay naghihintay ng muling
pagkabuhay, Job 14:12-1; Daniel 12;2; Jhn 5:29; 1 Cor. 15:5-56;1Tesalonika
4:13-17;Hebreo 11:13;39.Na ang pagka walang kamatayan ay isang bagay hahanapin
natin,Roma 2:7;1 Cor. 15:53 at ito ay dapat nating gawain sa pamamagitan ng
pagsunod sa mga gawa ni Yahshua,Mesia,Jhn 3:15,17:2-3; 2Tim 1:10. Na si Abba
Yahweh lamang ang walang kamatayan,1Tim 1:17;16:6. na ang lahat ng tao ay walang kaluluwang hindi namamatay,
Mga awit 6:5;115:17;Isaiah26:19, ngunit ang iyang mga kaluluwa nagkakasala ay
mamatay Ezekiel 18:4,20; Mateo 10:28.
ANG KATAWAN NG MGA NANALIG (BODY OF BELIEVERS) 23. Na si Yahshua Mesiya ay ang
saligan at panulok na bato ng kanyang katawan ang
Iglesia, ang pagkakatipon. Binubuo ng ganap na tinawagang pulutong ng mga
nananalig magmula noong Pentecostes ng Mga Gawa 2, na siyang tumanggap ng
sakripisyo ng ating minamahal na tagapagligtas at binago ang kanilang buhay
sang ayon sa salita ni Yahweh, Mateo 12:50.Sa pamamagitan nito pulutong ng mga nanalig
ang pagsasanay at paghahanda para sa darating na kaharian na isakatuparan,
1Pedro 2:5;9-10; Payahag 1:6;20:6.Ito ay nasa Iglesia na ang pangkaluluwang mga
kaloob ay sinasanay para sa ikahuhusto para sa gawain ng Ministeryo, para
maging magandang halimbawa ang katawan nang Messia.Efeso 4:17-13;1Cor.
12:7-10;28-30.Ang Iglesia ay kong saan ang pangkaluluwang mga bunga ay
nahayag,Galatia 5:22-23, at ating kaugnayan para sa mga kaanib sa katawan ng
Messia ay kahalintulad diyan ay mismong si Yahshua,Mateo 12:50;25-40.San ayon
sa kaugaliang naitatag ng sina-unang Iglesia na noon pang panahon ni Apostol
Paul, ang mga kapatid na babae sa Iglesia ay gumagamit ng talukbong sa kanilang
ulo habang may pagsamba. Si Apostol Paul ay nagbanggit ng kanyang mga katwiran
para sa kaugaliang ito sa 1 Cor. 11:1-16.Si Yahweh ang
ulo ng lahat ng bagay kasama pati si Yahshua Messiah.
Si Yahshua ay atin ngayong punong
saserdote isinasagisag ang taglay na pagkahirang sa
tungkuling iyan, Lev. 21:10. Sa lupa, ang tao ay lumalarawan
sa kaluwalhatian ni Abba Yahweh at tumatayong walang talukbong ang ulo sa
harapan niya. Sa isang banda ang babae ay ang kaluwalhatian ng lalake at
magkagayon ay maroon dapat siyang talukbong ang o belo (katakaluptos).(Ang King James version ay hindi malinaw ang pagkagawa ng
pahayag ni Paul sa pagpaliwanag ng panukala ni Abba Yahweh).
Ang mga lipon ng mga angel ay
sumasaksi sa lahat ng mga ginagawa ng tao,
1Cor.4:9.Ang lalaki ay dapat ulo ng pamilya at dapat mahalin ang kanyang asawa
kagaya ng pagmamahal ni Yahshua sa kanyang Asembliya, Efeso 5:23-25.
PAG-IBIG (LOVE) 24. Na tayo ay maging mabuting
halimbawa ng nabubuhay na mananampalataya na ating
inihahayag. Ang ating halimbawa ay si Yahshua ang Mesiya na siya natin pinagsisikapan
upang tularan sa Pag-ibig, katapatan, kapakumbabaan, pananampalataya, pag-asa,
pagtitiis at magalang, Lev. 19:17-18; Mateo 5,6,7;
22:39; 1Cor.6:1-11; 1Ped.2:21-23-23.
Ang Pag-ibig ay susi ng katarungan na ating pinagsisikapan na mapanatili sa ating mga tahanan, sa ating Iglesia, sa ating komunidad.Pag-ibig ay isang hindi makasarili,panglabas na pagsa-alang-alang para sa iba.Pag-ibig ay dapat maging lantad sa mga kapatiran kahit nasaan sila. Dahil iyan ay ang pawang totoo tanda ng tao ni Abba Yahweh. Kami ay naniniwala na ang kaligtasan ay libring iniaalok sa lahat na
klase ng tao. Si Yahweh ay ang lumikha sa lahat ng mga Bansa at nagawa ang
kanyang bahay na isang bahay dalanginan
para sa lahat ng mga tao, Isaiah 56:7; Mga Gawa 8:27-39; Galatia 3:28 at
Colosas 3:11. Ang Pag-ibig ni Yahweh nahahayag sa Pagpapakasakit ng kanyang
Anak na si Yahshua,Mesiya at iniaalok sa lahat na gustong sumanib. Pahayag
3:20;22:17. Ipinapakita at ipinapadama ang ating pagmamahal sa Kanya sa
pamamagitan ng pagsunod sa lahat niyang Kautusan, 1Jhn 2:5; 5:3; 2Jhn 6.
© 2007 Yahweh’s Assembly in Yahshua 2963 County Road 233, Kingdom City , Missouri 65262 View us online at: www.YAIY.org Call Toll Free: (877) 642-4101 Main Line : (573) 642-4100
|
||
|
||
Home | Newsletter | Literature | Sabbath Services | Links | Contact | Search Copyright © 2007-2009 Yahweh's Assembly in Yahshua All Rights Reserved |