Home | Literature | Foreign Translation | Tagalog | How the Savior's Name Was Changed
Print this pageYAIYEmail Page to a friend!YAIYDownload Now
 

 

How the Savior’s Name Was Changed
Tagalog

Davao City , Philippines
10/22/03
ABYH:JR


PAPAANONG NAPALITAN ANG PANGALAN NG TAGAPAGLIGTAS
                      

     Pamahiin, kamangmangan at ang mga daynamik ng mga linguahe na
naging sanhi ng pagbabago ng Pangalan, sa isang pangalan na kailan man
ay hindi niya naging Pangalan.

     Ang tagapagligtas ay isinilang sa Bethlehem ng Judea ng isang
birhing Hudyo na kung alin ay Hebreo ang linguaheng (o maaring Aramaic)
isang Shemitikong wika. Siya ay isinilang sa isang komunidad na kung
saan ay Hebreo and kanilang linguahe. Ang angel na si Gabriel na
nagpahahayag kay Miriam (Mary) ang ina,  na ang tungkol sa batang
isisilang , ililigtas ang kanyang mamayang Israel mula sa kanilang mga
kasalanan. Ang Kanyang pangalan, magkagayon, nasa litra por letrang
naglalarawan nitong kahulugan at layunin.

      Ang Bibliya ay nagpapahayag  na kung ang tao’y kakausapin mula sa
kaitasan, ito ay palaging doon sa mga sa nakakaalam o nakapagsalita
nang wikang Hebreo, walang alinlangan na Hebreo ang sinasalita sa
halaman ng Eden. Ang Bibliya ay  ang Hebreong aklat, ipinagkaloob sa
manunulat ng Hebreo na nagtataglay ng Banal ng Ispirito. Ang tanging
wika na sinasalita mula sa simula hangang sa ang mga taong  1757 sa mga
araw ng pangyayari sa Tore ng Babel . Dapat nating ipalagay kung gayon na
 ang Hebreo ay ang panlangit na Linguahe.

      Genesis 10:30 inihayag na ang tribong Shem ay hindi sumali sa
proyekto sa kapatagan ng Shinar(Gen. 11:2) na kung saan ang Tore ng
Babel ay naitayo.San ayon sa Genesis 10, sila ay tumira sa Mesha sa
paanan ng mga bundok ng Sephar.Ang kanilang wikang Hebreo ay hindi
nagbago.

      Sa lahat ng itong mga totoong naipahayag sa atin, dapat nating
itanong, bakit sadyang ang ating mga  Bibliya ang nakasulat na
tagapagligtas ay tinatawag sa pangalang Hesus na hindi Hudyo o Hebreo?
Ang Hesus o “Jesus” ay hindi Hebreo o naisasalin sa alin mang lenguahe.

      Bakit ang isang dalagang Hudyo na ang katutubong wika ay Hebreo,
naninirahan sa isang komunidad ng mga Hudyo , at tinawagan at batiin  ng
 isang makalangit ng mensaherong si Gabriel na ibinigay sa kanyang
bagong silang na Anak ang mistisong latin na pangalan Grego na nagdadala
 ng walang ganyang kahulugan bilang tagapagligtas sa alin mang lenguahe?
  Ang Gregong salita para sa tagapagligtas ay “Soter”, habang ang Latin
ay “Salvari” walang bahagi sa salitang ito na mababasa sa pangalang “Jesus”,
 ang pangalang walang etimolohiyang o pinagmulang kahulugan. Dapat
nating alalahaning muli ang sinabi  ng Angel na ang Kanyang Pangalan  ay
 mag kaugnayan sa Kanyang layunin bilang Tagapagligtas na kung sa
Hebreong salita ay “Shua”.

Jesus ay hindi ang Pangalan
      Ang katotohanan ay Jesus ay hindi ang kanyang pangalan at kahit
kailan man. Ang bantog na “Bible scholar” o pantas at Arheologist
Earnest Renan sumulat  na ang tagapagligtas ay hindi kailan man tinawag
na Jesus sa kanyang buhay.
     Bukod pa ruon mayroong hindi pag ayon na nakaroon kailan man ng
katumbas ang letrang”J” sa 22 na mga letra sa Hebreo alphabet. Ni kung
maroong kahit anong letrang Hebreo sa siyang nagdadala kahit halos
katumbas na tunog ng letrang “J” ni kung mayron man ng letrang “J” sa
alphabetong Grego.
     Kahit ating English na “J” ay kailan lamang nagsimula. Lumitaw noon
 lamang 500 mga taong na  nakalipas, ng ito ay madalas palitan ang
letrang”I” karaniwang sa umpisa ng isang salita. Ang katanungan sa atin
ay ano ang naging pangalan ng tagapagligtas bago nagkaroon ng letrang “J”?
  sa loob humigit kumulang 1500 na mga taon. Siya ay maliwanag ng
tinatawag sa ibang pangalan na hindi nagtataglay ng letrang “J”.
    Ang kanyang bang disipulong Hudyo ay tumatawag sa pamamagitan ng
Hybrid Grego-Latin na ganong mistisong pangalan ?Ang Bibliya’y
nagsasabing sila ay walang pinag-aralan at mangmang na mga tao?(Mga Gawa
 4:13).Sila ay pangkaraniwang mangingisda na ang salita ay Hebreo o
marahil ang malapit na kaugnayan wikang Aramaik.Ang kanilang Hebreong
pananalita ay naisalin na noon sa Gregong lingguwista na siyang nagbigay
 sa atin ng talaan o rekord sa Bibliya. ( Para sa karagdagan ibedensiya
kung ang Bagong Tipan ay sinulat ba sa wikang Grego? Lumiham at humingi
sa aming ganoong “ministudy” . Sa pag-aaral na ito ating susundin ang
pinagmulan ng English na Jesus, at walang kaugnayan sa mga pinagmulan
ipinapahayag na ang pangalang ibinigay mula doon sa kaitaasan  ay ang
Hebreong pangalan “Yahshua”,na  magkaparehong pangalan katulad ng nasa
Lumang Tipan na anak ni Nun na siyang alam naming katulad ni “Joshua”

Isang Anak Dala Ang Pangalan ng Kanyang Ama
     Ang tagapagligtas ay malinaw ng nasabing “naparito ako sa ngalan ng
 aking Ama” , John 5:43. Itong pagpapatibay  ay nangangahulugang dala
niya ang pangalan ng Kanyang Ama. Ang bawat kahulugan  ay hindi limitado
 sa tanging  kanyang paparito lamang, o sa pamamagitan  ng kapangyarihan
 o utos ng Panlangit na Ama. Katulad lamang ngayon ang Pangalan ng
pamilya ay isinasalin mula sa Ama hanggang  sa anak, kaya asahan natin
na si Yahshua na magdala sa pangalan ng Ama sa langit at pumarito sa
kanyang kapangyarihan.Sa gitna ng silangan ang Pangalan nagdadala ng
higit  na makahulugan at napalibutan sa mas malalim na pagka sangkot
kaysa mga pangalan sa panahon ngayon ng kanlurang komunidad, na kahit sa
 panahon ngayon  nakakapit sa isang pangalang may mataas na
pagpapahalaga.
     Ang tagapagligtas ay nagpatuloy sa pagsabi na kahit  siya'y hindi
tinanggap ng mga tao, kung  iba ang dumating sa kanyang sariling
pangalan siya’y tinatanggap nila, idininagdag pa niya na sumulat si
Moses tungkol sa kanya, nakasulat  ang reperensya sa Exodo 15:12 “Yah”….
 Ay  naging aking tagapagligtas sa Hebreo “Shua”i.e. Yah-Shua). (Tingnan
 din sa Deut.189:15-19)
     Katulad ng naihayag na ang pangalan ng tagapagligtas at talagang
parehong katulad niyan ng “Joshua ( Ang pag bigkas ay “Yoshua”), Ang
anak ni Nun , Mga Bilang 13:16.Pangalang Joshua dati ay Hoshea o kaya’y
Hoshua, ngunit si Moses ay iniuuna ang maiksi o matulaing anyo sagradong
 pangalang, YAH, tinatawag siyang Yahoshua, ang kahulugan ay Pagliligtas
 ni Yah.
     Mula sa pagkabihag ng Babilonya pasulong, ang tunog na “O” ay
inilaglag o inalis  sang ayon sa “ Linguistic  Authorities” , at sa
panahon ng kapanganakan ng Tagapagligtas ay hindi na Yahoshua kaya
naging YAHSHUA.  Itong kaugalian ng pagpaikli ng pangalan ay
pangkaraniwan na sa bawat lugar doon. Isang halimbawa “Bedlam” na galing
 mula sa Bethlehem , Jon  mula sa Jonathan at Liz o Beth mula  Elizabeth .
     Ang tagapagligtas na si Yahshua  ay  totoong  dumating sa
pamamagitan ng pangalan ng Kanyang Ama, para sa Kanyang pinakapangalan
na kahulugang,” ang pagliligtas ni YAH.”Ang kanyang pangalan ay sagrado,
 poetiko, makalangit na pangalang YAH: Yahshua.
     Kailangan nating tingnan sa Mga Gawa 7:45 at Hebreo 4:8 sa “King
James Bible” na kung saan ang hybrid o mistisong pangalan “Jesus” buong
pagkamaling nagsilitaw. Ito ay maliwanag na ang mga eskriba ay nagpalit
sa totoong pangalan sa King James Bible at napunta sa  anomang Bibliya.
Sa labis o sa  masigasig na pagnanais, ang pangalang “Joshua” (Yahshua)
ang anak ni Nun na nagkamaling pinalitan  gayon  sa pangalan na
mestisong Grego-Latin “Jesus”. At sa huling “King James Version Revision”
   at ang mga bagong bersyon ng Bibliya ay pinalitan din ang pangalan
“Johshua”.

Walang Ibang Pangalan Na May Kaligtasan
      Ang kaligtasan ay nagmumula sa pamamagitan ng Mesiya. Kaligtasan
ay sa pamamagitan lamang  Niya. Maliban kung mayroon mang sa kanino man,
 sa pagkat”Walang ibang Pangalan sa silong ng Langit na ibinigay  sa mga
 tao, para sa ikaliligtas natin”.Walang ibang Pangalan!Yan ay parehong
pangalang ibinigay sa pamamagitan ng Angel na si Gabriel sa Ina ni
Yahshua bago siya ipinanganak.
      Pakipansin sa inyong Bibliya , may katiyakang sinasabing walang
ibang Pangalan! Ito ay hindi sinasabing walang ibang “tao”  na
pahintulutang kang tumawag sa kanya sa pamamagitan ng kahit anong
pangalan ang naisin mo. Yahshua ay ang tanging pangalan at sa
pamamagitan lamang sa kanya ay mayroon tayong kaligtasan. Walang ibang
pangalan maliban kay Yahshua, na ang literal na kahulugan ay ang sugong
pagpadala ng  pagliligtas ni Yahweh.
      Sa pakikipag-usap sa mga nagsising Hudyo sa panahon ng Pentecostes,
 si apostol Pedro ay inspirado sa pagbigay nitong natatanging pangalan
sa pamamagitan nito tayo ay magkakamit ng kaligtasan . Hindi niya sinabi
 pabautismo sa pagkatao ng Mesiya. Si Pedro ay nagbigay sa atin ng
pinakapatikular na utos upang tumawag sa Personal na Pangalang
ipinagkaloob ng Ama, Mga Gawa 2:38”magsisi at pabautismo ang bawat isa
sa inyo sa pangalan ni Yahshua Messiah para sa ikapagpatawad ng
kasalanan at kayo’y tatanggap ng kaloob ng banal na ispirito”.
      Upang makatiyak sa pagkatao ni Yahshua ay mahalaga. Pero ang
pangalan na sa Kanya ay ibinigay sa pamamagitan ng Angel dumating mula
sa kaitasan at dinadala ang isang pinaka di pangkaraniwang kahulugan
para sa tagapagligtas,ang ipinakaisang pagsasama ng pangalan ni Yahweh
at ang  pangalan ng Ama mismong ipinangalang sa Anak na si Yahshua ay
nangakahulugan, na sa kanyang Anak lamang ang tao maliligtas.
      Sa sandaling matutunan ang katotohanan tayo’y maging masunurin sa
paglakad dito. Karamihan sa atin ay natoto ng mas malalim na katotohanan
 sa maliit na mga pag-unlad matapos ilagay sa pagsasanay ang ating
natotohan. Si Yahweh  ay patuloy sa paghahayag ng higit pang karunumgan,
 lamang  kung ating tatangapin at sundin yong mga bagay na kanyang
ipinakita sa atin. Bakit  siya  magkaloob ng higit na pamukaw doon sa
mga ayaw tumanggap at rebelde sa  kung ano ang kanyang naihayag na?
      Kapag alam na natin ang katotohanan , ang nakaraang kamangmangan
ay hindi maaring mapawalang sala kung nagpatuloy tayo sa  kamangmangan
.”Sa panahong nitong kamangmangan  si Yahweh ay nagbulag-bulagan, ngunit
ngayon ay nag-uutos sa lahat ng mga tao sa lahat ng dako na magsisi ,Mga
 Gawa 17:30. Kanyang ipinahayag ang kanyang katotohanan doon sa nagkusang
loob na magsaliksik at sumunod dito.

Ipinagkaila Ang Pangalang YAHWEH
      Paanong napalitan ang sagradong pangalan sa ating Bibliya?
      Ang ikubli ang apat na mga letra, ang tetragramaton (YHWH) na
naglalarawan ng pangalan ng Ama na naunang nagsimula sa mga Pareng
Israelita. Ito ay dinadala pa sa malayo sa pamamagitan ng kamangmangan
ng mga sinaunang tagasalin na mga Kristiano.
      Ang mga pamahiing mga eskribang Hudyo ay alam ang Levitico 24:16
at ibang bersikulo na hinihiling na pagpitaganan ang pangalang Yahweh.
Sila ay nagpasya na ang pinaka mabuting paraan upang pag-ingatang huwag
malapastangan ang kanyang Pangalan magiging sa pagbigkas ay papalitan ng
 titulo,  sa halip na tawagin si Yahweh sa kanyang Personal na Wastong
Pangalan. Sa pagbabawal na bigkasin ang totoong pagtawag sa sagradong
pangalan ,inisip nila na inaalis ang kakayahan na lapastanganin ito.
    Upang maunahan ang sinomang bumabasa ng Tetragramaton at binibigkas
  ang pangalang  YHWH ang mga eskriba ay naglagay ng “diacritrical marks”
 ng mga patinig (vowel) para sa Adonai sa kabila ng Hebreong letra para
sa kanyang pangalan.Ang totoo, ang unang patinig dala ang tunog “E”
kagaya ng English “met” ang pagbigkas ang   pagbasa ay  Yeh, para hindi
mawala ang poetikong pagbigkas sa ngalan Yah. Ang kanila  ay isang  ligaw
at  maling pamaraan  sa ikatuparan ng  kautosan.


Mga Unang Tagasalin Itinago Rin Ang Kanyang Pangalan
      Ang mga sinaunang Kristianong mga tigasalin sa Bibliya  ay mahina
sa linguaheng Hebreo. Sila ay ignorante sa salitang Hebreo.Lenguaheng
Grego at Latin lamang ang kanilang kaalaman. Dahil sa mga kaugaliang
hindi makikipaghalobilo sa mga masasamang Hudyo, ayaw nilang matutong
magbasa at sumunod sa tamang pamaraan sa salitang Hebreo. Kaya hindi
nila nabasa ang Lumang Tipan  sa original na Lenguaheng Hebreo. Ang
kanilang pinagkunan ng ating mga bibliyang salin ng mga Kristianong
Tigasalin ay mula sa lumang Gregong“Septuagint” at hindi sa original na
Hebreong mga teksto.
      Ang Grego ay may tatlong uri ng Pangngalan ( nouns), tatlong
pankasarian at limang mga kasong pangmungkahi. Ang pangngalang  hulapi
ay  nagpapahayag ng paggamit sa isang pangungusap, na totoong ginagamit
 rin  sa ibang mga lenguahe sa Europa.
     Bilang halimbawa sa Gregong pang-isahan panlalaking  kasarian  sa
pangalan ng ating tagapagligtas na  ang huling letra ay “s”. Ito ay
nagpahayag kung bakit mayroon tayong maraming Pangngalang Pantangi sa
King James na Bibliya na kung saan  ang mga  pangalang Hebreo ,  ito ay
napalitan  ang dulo sa letrang “S” kagaya ng Judas, Elias,Jonas, Esaias,
 Zacharias,Jeremias, Annas at Silas.
    Ang mga pangalang ito ay direktang ipinagmataas mula sa Gregong
Septuagint na walang pagpapahalaga sa kanilang tunay na pangalan sa
Hebreong pamaraan (  na karamihan ay nagtatapos sa pangalan Yah).
      Bilang paglalahad, ang Hebreo o Grego ay walang letrang “j”. Sa
Latin at Ingles ito katumbas sa letrang  “I” ( na binibigkas kagaya ng
salitang“police” )  at   sa letrang ng Hebreo “yothe” (yod).
      Hindi kailan man na ang pangalan ng Tagapagligtas nagsisimula sa
letrang “j” gaya   ng tunog “jeers” ngunit ito’y dapat  nag uumpisa sa
letrang patinig (vowel) na ang pagbigkas ay kagaya ng “ee”.
       Sa Septuagint, ang katumbas  ng Gregong letra sa pangalan ni
Yahshua ay dapat nag-umpisa  sa malaking letrang “ I” ( o iota), at sa
Latin ito ay dapat naisalin sa pantanging letrang “I”. Sa kalaunan
naging  letrang “j”at sa Latin ay ginamit na malaking titik “I” at sa
sinaunang Ingles kilala bilang  letrang kursibo“j”.

Saan Galing ang pangalang “Yeshua’?
     Sa sinusunod ang halimbawang nasa Septuagint, ang mga Kristianong
dalubahasa ay nagtangkang isalin ang letra por letra (dinalang pakabila
ang tunog) ang Pangalan ng Tagapagligtas kattulad ng nakasulat sa Grego.
     Sa pagsulat ng pangalang Yahweh na nasa mga tekstong Hebreo, ang
mga Hudyong eskribo, sa halip na ang Kames (  ) and isulat, na isiningit
 ang “shewa” (:) at napalitan ang tunog ng patinig na “Ah” para sa “eh”.
 Upang unahan na hayagang maibulaslas ang maikling hubog na “Yah” ng
sagradong Pangalan itong nakagawian ay masusumpungan parin sa nasa
maling”Jehovah”. Jehovah ay mas malapit pero hindi ang tamang
pagkakasalin.
      Sa gayon mayroon tayong Pangalan ng  Tagapagligtas nag-uumpisa sa
“Je” Gayong, ang dapat ay naging “Yah” bilang nasa “HalleluYah”. Hindi
natin dapat sabihing “HalleluYeh”.

      Sa ginamit ang malaking letra “I” (iota) hindi nila isiningit  ang
 letrang “A” (alpha)  pero naging ignorante sa pagtanggap sa dalawang
kritical na patinig at ginamit ang letrang “e”(eta) sa ganon sila ay
nagsimula sa pangalan ng Tagapagligtas bilang “IE”.
      Ang Grego ay walang “H” sa kanilang alphabeto, tanging ang
magaspang na marka ng paghinga  sa isang umpisa ng salita na makikita
bilang pabaligtad na kudlit. Walang “H” na makikita sa Grego ang nasa
patulang hugis “YAH”. Sa katotohanan mula sa maari nating makita ang
unang bahagi ng Tetragramaton na nasa Greek naging nakasulat ng “IE” (
na walang “H” bilang sila’y dapat ay wala) para maging kasang ayon ang
sa patakarang Hudyo ng “Yeh” upang iwasang bigkasin ang “Yah” na tunog.
Ni kung ang mga Hudyo gusto na sa anumang paraan upang isama ang
pangalan ni Yahweh kalakip niyan  sa Tagapagligtas na maaring makita
bilang kilalanin ang katayuan bilang pinaka anak ni Yahweh na siyang
dumating sa pangalan ng Kanyang Ama.
     Ang Grego ay walang “SH” na tunog kaya  tanging ang “S” (sigma) ang
 makikita.Ganon kalayo, mayroon tayong unang tatlong letra na pangalan
ng Tagapagligtas “IES”. Sa Grego ito ay sinundan sa pamamagitan ng “O
(O=omicron)
 ang tunog ay pagiging maikli tulad ng “ LOT ”. Ito ay sinundan sa
pamamagitan ng “U” (Upsilon=U), tumutunog bilang “OO”
     Ang pagsalin ng letra por letra sa Grego, pagkatapos kahit anong
tulad ng “EE-ess-oo-uh”. Bigkasin ng mabilis at makukuha natin ang
pare-parehong malapit na pagkakasalin, “Yehshua” tatandaang walang tunog na
“SH” na maari sa Grego ang pangalan ng Tagapagligtas ay lumitaw bilang
“IESUS” (mayroon hulaping “S” para sa pagtatapos sa Gregong pagsalin). Ang
pagsasalin na Latin ay nagawa na rin noong una mula sa Gregong
Teksto,linagtawan ang orihinal na Hebreo.

Yahshua = Iesous in Greek
     Tulad  ng pangalan ng Tagapagligtas na noon ay naisalin letra por
letra sa latin direkta mula sa Gregong pagkasalin mayroon tayong
Pangngalang Panlalaki iminungkahing pang-isahang nagtatapos sa “S” na
siyang nagkamaling dalhin sa Latin bilang “Iesous” at kalaunan naging
Jesus.
      Nang ang malaking “I” ay naitakda ang kursibong buntot , na 500 na
 taon,  sa humigit kumulang na ang nakalipas para maging “J” at  nakuha
rin nito ang tunog sa mga taga Pransiya (French) na katulad ng salitang
“journal” . Ang kanyang pangalan sa kalaunan ay naging mali na “Jesus”
sa salitang Ingles.
     Gayon pa man, sa Latin ang “J” ay tumunog bilang “I”  sa salitang
“police”,
 o kaya “ee”. Ang bansang Balkan Yugoslavia ay minsan ng ang pagbaybay
ay Jugoslavia, ngunit ang pakabigkas  pareho din hanggang ngayon,
Yugoslavia .
     Ang mga pagbalangkas sa pag-inog ng Daang taon hayagang kinilala
ang USSR bilang “Sowjet Russiah”. Ang “J” ay nagkaroon ng  “ee” na tunog
 at ang “W” nagkaroon ng Germanic “V” . Ang salitang major ay nabigkas
bilang “mayor” sa parehong Latin at German. June at July ay binibigkas
sa tunog na “Yune” at “Yuly”.
      Ang lahat ng ito’y maaring mahirap at teknikal ngunit
kinakailangan upang ipakita ang ibedensiya na ng pangalan ng Hebreong
Tagapagligtas ay Yahshua.  Pumarito siya sa pangalan ng Kanyang Ama na “Yah”
.
 Kung ang mga Kristianong tagapagsalin bumalik sana sa orihinal na
Hebreo, ang kanyang pangalan maaring matapat na napatili sa tamang porma
 “Yahshua”. Sa halip ang kanyang pangalan ay hinango mula sa Grego
hanggang Latin at kalaunan sa Ingles, iwinala ang Hebreo at tayo’y
nagtapos sa at nagkaroong isang Latinized-Greek Hybrid (mistiso) Jesus,
sa halip na ang Banal at nakapagligtas na pangalang Yahshua.  Ito ay
tulad ng pagkuha sa nawalang pagkakataon paulit-ulit mula sa isang
lukbutan upang malagay sa iba at unti unting iwala  ang isang maliit
nito sa bawat panahon.

KAHALAGAHAN NG KANYANG PANGALAN
      Ang kahulugan ng kanyang pangalan ay “Ang pagliligtas ni Yah”.Walang
 katulad nito na maaring mamulot mula sa gawa ng tao ang maling
pangalang “Jesus” na kung alin lumaganap mula sa una ang mapamahiing mga
 eskribang Hudyo at saka pinatili sa pamamagitan  ng kamangmangan ng
Kristianong  pantas na kung sino sila ay pinagtawanan ng mga Hudyo
dahil sa kanilang kakulangan ng kaalaman sa Linguistika ng Hebreo.
      Si Apostol Pablo nagpahayag na pinarangalan din ni Yahweh si
Yahshua at binigyan siya ng pangalang higit sa lahat ng pangalan., anopa't
 ang lahat ng nilalang na nasa langit , nasa lupa ay maninikluhod at
sasamba sa Kanya….( Filipos 2:9-10). Ang pangalang  binigay ni Yahweh
kay Miriam para ipangalan sa kanyang anak   ay  tatawagin na Yahshua.
Ito ay mapapatunay sa gilid ng tala sa Mateo 1:21 at Lukas 1:31 sa
karamihan ng mga Bibliya. Ang tagasalin ay pinalitan at itinago ang
Banal na Pangalan at binigyan tayo ng maling mistisong pangalang “Jesus”.
 Ito ay simpling hindi niya pangalan! Bukod pa roon sinabi ni Apostol
Pablo na ang buong pamilya ni Yahweh ay tatawagin sa pamamagitan ng
pinakamahalagang pangalan “YAH ‘(Efeso 3:15). Ang iba sa mga propeta
dala ang kanyang pangalan, gayon din ang tulad nila IsaYah, ObadYah ,
ZephanYah, ZecharYah, at JeremYah.
      Tayo’y binigyan ng isang tunay na pangalan nang ating Ama, na  sa
  pamamagitan nito ay maaring tayong makilala. Papaano natin magagawang
hamakin, pagtatawanan at hindi tanggapin ang pangalang Yahweh ngayon at
pagkatapos iibigin at igagalang ito - at  ito rin ang itatawag- sa
pagdating ng kaharian ni Yahweh?
      Ang mga pangalan na nasa Bibliya ay mayroong malalim na kahulugan
at tiyak na mga kahalagahan na nakaragdag sa ating pag-unawa.Siya ay
naghanda ng gayon sa ating harapan ang bukas na pinto para sa higit
pangkatotohanan.Ang kanyang pagliligtas ay nasa pangalan ng kanyang
Anak,Yahshua, at tayo ay sumusunod sa kanyang salita , at “hindi dapat
ipagkaila ang Kanyang pangalan”Pahayag 3:8-9. Sa silong ng langit ay walang
ibang Pangalan maliban kay Yahshua at sa pamamagitan Niya mayroon tayong
kaligtasan. HalleluYAH


© 2007 Yahweh’s Assembly in Yahshua

2963 County Road 233, Kingdom City , Missouri    65262

View us online at: www.YAIY.org

Call Toll Free:  (877) 642-4101

Main Line :  (573) 642-4100

 

 

 

 

 
Email This Page
Your Name
Your Email
Friend's Name
Friend's Email
Your Message
YAIYYAIYYAIY
Home | Newsletter | Literature | Sabbath Services | Links | Contact | Search

Copyright © 2007-2009 Yahweh's Assembly in Yahshua
All Rights Reserved